Banga, South Cotabato – Nakapag-ani ng 117 kilo ng tilapia na nagkakahalaga ng ₱16,800 ang Iklab Association sa Barangay Kusan, Banga, South Cotabato, sa ilalim ng Project LAWA at BINHI ng DSWD Field Office XII noong Oktubre 16, 2026.
Nasaksihan ang pag-aani ng mga kinatawan ng PSWDO, BFAR, OMAG, at AVLDA bilang pagpapakita ng pagtutulungan sa pagsuporta sa kabuhayan ng komunidad.
Ayon kay Mamaila B. Namla, RSW, Project Development Officer III at RRP Regional Focal, mahalaga ang mga inisyatiba tulad ng Project LAWA at BINHI upang matulungan ang mga komunidad na mapanatili ang produksyon ng pagkain at kabuhayan sa gitna ng epekto ng El Niño, lalo na ang kakulangan sa tubig at matinding tagtuyot.
Namahagi rin ng 80 Family Food Packs (FFPs) sa mga partner-beneficiaries bilang bahagi ng Food-for-Work kapalit ng kanilang pakikilahok sa mga gawaing rehabilitasyon.






