Tulak Kègèfor: Rituwal para sa CADT ng mga Teduray at Lambangian, Indanaos sa South Upi, MDS

Kutangbato News photo

SOUTH UPI, Maguindanao del Sur — Idinaos ngayong ika-23 ng Oktubre 2026 sa Municipal Gymnasium sa Barangay Romongaob, South Upi, Maguindanao del Sur, BARMM, ang “Tulak Këgëforor”—isang makasaysayang rituwal upang ipagdiwang ang paggawad ng Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) sa mga katutubong Tëduray at Lambangian,matapos ang 21 taon na paghihintay.

Ang nasabing kaganapan ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Institute for Autonomy and Governance (IAG), kasama ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) at iba pang mga kaukulang ahensya ng pamahalaan. Layunin ng rituwal na kilalanin at ipagdiwang ang paggawad ng CADT na nagpapatibay sa legal na karapatan ng mga Tëduray at Lambangian Indigenous Cultural Communities/Indigenous Peoples (ICCs/IPs) sa kanilang Fusaka Ingëd o lupang ninuno.

Nagtipon-tipon sa seremonya ang mga lokal na opisyal at pinuno ng katutubong pamayanan, kabilang sina National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Secretary Nancy A. Catamco, South Upi Mayor Helen Benito-Padua, mga kinatawan ng IPMR, at iba’t ibang Timuay at tribal leaders ng Teduray at Lambangian na pinangunahan ni Timuay Alim Bandara.

Binigyang-diin na ang paggawad ng CADT ay isang mahalagang hakbang sa pormal na pagkilala sa karapatan ng mga Teduray at Lambangian sa kanilang lupang ninuno, na may malalim na kaugnayan sa kanilang pagkakakilanlan, kultura, kabuhayan, at sariling pamamahala.

Samantala, kinilala rin ng NCIP ang mahalagang papel ng Ministry of Indigenous Peoples’ Affairs (MIPA) sa pagsusulong ng mga karapatan at kapakanan ng mga Non-Moro Indigenous Peoples sa Bangsamoro, pati na rin ang patuloy na paninindigan ng mga lider at ng buong pamayanang Teduray at Lambangian.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here