DAVAO CITY — Personal na dumalo si Bangsamoro Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua sa ginaganap na Mindanao Development Forum (MDF) 2026 upang isulong ang mga estratehikong pamumuhunan at patuloy na paglago ng ekonomiya sa rehiyon.
Ang MDF ang itinuturing na pinakamalaking sosyo-ekonomiko at patakarang forum sa katimugang bahagi ng Pilipinas na nakatuon sa pagpapalakas ng paglago, public-private partnerships (PPPs), at mga estratehikong pamumuhunan.
Dumalo rin sa pagtitipon si Sec. Benhur Abalos na kumakatawan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Bilang bahagi ng kanyang programa, nakatakdang dumalo si Chief Minister Macacua sa isang Executive Session kasama ang mga dayuhang embahador.
Layunin ng sesyon na ihatid ang pinakahuling kalagayan ng kapayapaan at seguridad sa Mindanao.
Ihahayag din sa naturang pagpupulong ang panawagan sa mga embahada na gawing batay sa tunay na sitwasyon sa halip na sa mga haka-haka o maling impresyon ang pagpapalabas ng mga travel advisory para sa mga dayuhang mamamayan sa rehiyon.






