Gov. Hataman pinangunahan ang turnover ng Panunsulan Water System sa Isabela City

Photo courtesy of Provincial Government of Basilan

Personal na dumalo si People’s Governor Mujiv S. Hataman sa partial turnover ng Panunsulan Water System sa Panunsulan, Isabela City, Oktubre 1.

Layunin ng water system na makatulong sa pagtugon sa pangangailangan sa tubig ng mga residente sa lugar, bilang bahagi ng mga hakbang na sinusuportahan ng Provincial Government of Basilan para sa mas maayos na access sa basic services.

Sa kanyang pagdalo, muling ipinakita ni Gov. Hataman ang suporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga proyektong tumutugon sa pangunahing pangangailangan ng mga Basileño, partikular sa tubig at iba pang serbisyong mahalaga sa komunidad.

Dumalo rin sa aktibidad sina Isabela Water District (ISAWAD) Manager Jermone Muctar Muarip, Lamitan City Vice Mayor at HHH Authorized Managing Officer Hegem Furigay, at kinatawan ng Department of Public Works and Highways (DPWH)–Isabela City.

Ang Panunsulan Water System ay isa sa mga proyektong naglalayong palakasin ang water service sa komunidad at maghatid ng mas maaasahang access sa tubig para sa mga residente ng #BASILANatin .

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here