Globe hatid ang digital livelihood at financial literacy sa Davao City

Contributed Photo

DAVAO CITY— Globe naghatid ng mga programang nakatuon sa digital livelihood at financial literacy sa mga residente at estudyante ng Davao City kasabay ng pagdiriwang ng Kadayawan Festival bilang bahagi ng pagsusulong ng digital inclusion at responsableng paggamit ng teknolohiya.

Hatid ng kompanya ang mga aktibidad na ito sa Kadayawan kagaya ng Globe Caravan na ginanap sa Bucana 76-A Barangay Hall, kung saan ipinakilala sa mga residente ang iba’t ibang digital tools na maaaring makatulong sa pagdagdag ng kita at pang-araw-araw na transaksyon.

Sa aktibidad, natutunan ng mga kalahok kung paano gamitin ang Globe Benta App sa pagbebenta ng prepaid load at promos sa kanilang komunidad. Nagdaos din ang GCash ng mga talakayan tungkol sa financial literacy at social commerce, habang nagbigay naman ang Globe Digital Thumbprint Program ng kaalaman hinggil sa online safety at responsableng paggamit ng teknolohiya.
Nakibahagi rin sa programa ang mga kinatawan mula sa BPI at Generika upang maghatid ng mga serbisyong may kaugnayan sa pagbabangko at kalusugan. Dumalo ang mga miyembro ng Green GSM community, kabilang ang mga driver at kanilang mga pamilya.

“Kadayawan celebrates the culture, creativity and community spirit of Davao, and we want our participation to go beyond the festivities,” sabi ni Globe Chief Marketing Officer KD Dizon.
Samantala, dinala naman ng Globe ang 5G Powered Campus initiative nito sa Sta. Ana Central Elementary School kung saan nagbigay ito ng mga 5G-enabled mobile device na maaaring gamitin ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral.

Lumahok ang mga mag-aaral sa isang Digital Thumbprint session na nakatuon sa responsableng paggamit ng teknolohiya. Bilang bahagi ng aktibidad, nabigyan din ng pagkain ang 150 estudyante sa tulong ng Jollibee.

“We appreciate Globe’s support in helping our students become more prepared for an increasingly digital future. Access to technology, combined with responsible digital learning, gives our learners more opportunities to grow both inside and outside the classroom,” saad ni Darwin Fernandez, ang principal ng Sta. Ana Central Elementary School.
Ayon sa Globe, ang mga programang ito ay layon na mas mapalawak ang access ng mga Pilipino sa digital tools at mabigyan ang mga komunidad ng mga kasanayang maaaring magamit sa edukasyon, kabuhayan, at sa mas ligtas na pakikilahok sa digital world.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here