11 arestado sa buy bust operation sa Mangudadatu, MDS

MANGUDADATU, MDS—- Hindi na nakatakas ang 11 indibidwal matapos na salakayon ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Maguindanao del Sur, kasama ang 22nd Mechanized Infantry Company ng Army at Mangudadatu Municipal Police Station ang isang drug den sa Purok 5, Barangay Tumbao, Mangudadatu, Maguindanao del Sur, pasado alas 3:00 ng hapon kahapon.

Kinilala ng PDEA ang mga nahuli na sina Bati Salindab, Samrod Usop Timpolok, Kevin Tempolok, Bryan Daud Uyag, Tundatu Betol, Rudy Pilot Anta, Bando Silongan, Mark Mama Cadel, Jimmy Uyag, Datu Puti Amino alyas Ligaya, at Boren Mangandog.

Lahat ng mga naaresto ay residente ng Barangay Tumbao, Mangudadatu, Maguindanao del Sur.
Narekober sa lugar ang nasa 17 sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P81,600.00 at iba pang non-drug items.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here