Bilang pakikiisa sa Livestock and Poultry Month at upang mapalakas ang antas ng pamamahala sa paghahayupan ng mga magsasaka, isinagawa ang tatlong araw na LEED: Training on Goat Production and Management para sa LEED Upgraded Goat Production Project Beneficiaries at Goat Raisers sa rehiyon, mula September 29 hanggang October 01, 2026 sa Kidapawan City.
Matapos ang naturang training, nabigyang pagkakataon ang mga kalahok na bisitahin ang Aroman Livestock Production Center (ALPC) sa Carmen, Cotabato Province.
Ang Livestock Economic Enterprise Development (LEED) ay isa sa mga flagship program ng National Livestock Program (NLP) na naglalayong magtatag ng iba’t ibang livestock at poultry production projects sa rehiyon.
Bilang bahagi ng paghahanda para sa matagumpay na pagpapatupad ng mga proyekto, layunin ng pagsasanay na mabigyan ang mga benepisyaryo at katuwang sa implementasyon ng sapat na kaalaman sa wastong production at management ng livestock production module na kanilang ipatutupad bago ang aktuwal na pagtatatag at turnover ng proyekto. (Agri Tayo Soccsksargen)






