PICTURES: DSWD FO XII, sinimulan ang Social Pension payout sa Glan, Sarangani

Glan, Sarangani Province – Sinimulan ngayong Hulyo 20, 2026 ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office XII ang pamamahagi ng Social Pension Program for Indigent Senior Citizens (SocPen) sa bayan ng Glan, Sarangani Province.

Sa kabila ng epekto ng lindol at pagbaha, 6,472 na mga kwalipikadong benepisyaryo ang inaasahang makatatanggap ng kanilang social pension bilang dagdag-suporta sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Ang Glan ang kauna-unahang lokal na pamahalaan sa Region XII na nagsagawa ng social pension payout kasunod ng mga naranasang kalamidad. Prayoridad ng DSWD FO XII ang agarang paghahatid ng serbisyo upang matiyak na natutugunan ang pangangailangan ng mga indigent senior citizens.

Nagpasalamat naman ang mga benepisyaryo sa maagap na pamamahagi ng kanilang pensyon. Unang isinagawa ang payout sa mga senior citizen mula sa mga malalayong barangay, habang magpapatuloy ang pamamahagi hanggang Hulyo 24, 2026 upang matiyak na matatanggap ng lahat ng kwalipikadong benepisyaryo ang kanilang benepisyo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here