Gov. Tamayo, Pinangunahan ang Pagpuplong ng UHC-Provincial Health Board ukol sa Serbisyong Pagkalusugan sa South Cotabato

Photo PIO South Cotabato

Pinangunahan ni Governor Reynaldo S. Tamayo, Jr. ang pagpupulong ng Universal Health Care–Provincial Health Board (UHC-PHB), bilang pagpapatibay sa patuloy na layunin ng Pamahalaang Panlalawigan ng South Cotabato na gawing mas abot-kamay, patas, at tumutugon sa pangangailangan ng bawat South Cotabateño ang dekalidad na serbisyong pangkalusugan.

Sa pagpupulong, tinalakay ng Lupon ang mahahalagang panukalang resolusyon, kabilang ang pansamantalang pagpapaliban sa pagpapatupad ng kaukulang kontribusyon ng mga LGU alinsunod sa Provincial Ordinance No. 61, Series of 2021. Layunin nitong matiyak ang maagap na paggamit ng Special Health Fund at mga pondo mula sa PhilHealth upang higit pang mapalakas ang Free Hospitalization Program ng lalawigan.

Inatasan din ni Governor Tamayo ang lahat ng Municipal at City Health Officers, katuwang ang mga Rural Health Units, na paigtingin ang pag-abot ng mga serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad sa pamamagitan ng mas epektibong pagpapakilos sa mga Barangay Health Workers at Provincial Family Health Navigators na kinukuha at pinopondohan ng Pamahalaang Panlalawigan. Layunin nitong matiyak na ang mga serbisyong medikal ay makarating sa mga pamilya at indibidwal na higit na nangangailangan.
Hindi dapat naghihintay ang serbisyong pangkalusugan—at lalong hindi ang mamamayan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here