Pagrarasyon ng tubig muling umarangkada kasama ang READi at MCWD

BARMM READi Photo

Tumulak patungong Sultan Kudarat Municipality ang Metro Cotabato Water District (MCSWD) at Bangsamoro READi upang maghatid ng rasyon ng tubig sa Barangay Calsada, partikular sa Purok Dumato ng nasabing bayan. Kaninang hapon, apat (4) na oras na pag iimbak at walang humpay na buhos ng tubig ang isinagawa upang mabigyan ng karagdagang suplay ang mga mamayan sa lugar na sya ring mga consumer ng MCWD.

Ang inisyatibang ito ay pinangunahan ng MCWD bunsod ng pagkawala ng suplay ng tubig sa barangay Calsada Purok Dumato. Dahil sa biglang pagka wala ng water koneksyon ay agad namang tinugunan ng MCWD ang pangangailangan sa lugar kasama ang Bangsamoro READi.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here