MP Amir Mawallil, nanumpa na bilang Miyembro ng Bangsamoro Parliament sa harap ni Gov. Hataman

COTABATO CITY—-Pormal nang nanumpa si Member of the Parliament (MP) Amir Mawallil bilang miyembro ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) Parliament ngayong hapon sa harap ni Basilan Governor Mujiv Hataman, bilang paghahanda sa kanyang pormal na pagsisimula sa panunungkulan sa darating na Oktubre 30.

Lubos ang pasasalamat ni Mawallil kay Governor Hataman, na naging “boss” niya sa loob ng pitong taon noong panahon ng dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM). Ayon sa kanya, napakahalaga at nakakainob na manumpa sa harap ng isang taong naging malaking bahagi ng kanyang paglalakbay sa serbisyo-publiko.

Samantala, sinamahan din si Mawallil ng kanyang mga kamag-anak at kaibigan na sina Atty. Adzlan, Atty. Ging Gagara, at dating Maluso Vice Mayor Al Yasin, na lalo pang nagpasMAKABULUHAN sa nasabing okasyon.

“Alhamdulillah. Nagpasalamat sa tiwala at sa pagkakataong muling makapagsilbi,” ani Mawallil.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here