Isang patient transport vehicle ang ginamit sa pagtangkang pagpuslit ng mga sigarilyo na nagkakahalaga ng PhP 1,080,000.00 milyon sa Purok 1, Bansarvil 1, Kapatagan, Lanao del Norte nitong 2:20 ng umaga, Septyembre 29, 2026.
Pinara ng mga tauhan ng 2nd Provincial Mobile Force Company sa isang checkpoint ang isang Toyota Hi-Ace passenger/emergency patient transport vehicle na bumibiyahe mula Sultan Naga Dimaporo patungong Kapatagan. Sa inspeksyon, tumambad ang 22 master cases ng New Far Red cigarettes at limang master cases ng iba pang sigarilyo.
Dinala sa Kapatagan MPS para sa dikumentasyon ang 31-anyos na driver na si alyas “Mohammed” at si alyas ” “Yasser” 19-anyos na pasahero at kapwa residente ng Poblacion, Sultan Naga Dimaporo, Lanao del Norte.
Ang mga nakumpiskang sigarilyo at sasakyan ay nasa kustodiya ng 2nd PMFC habang hinihintay ang pormal na turn-over sa Bureau of Customs para sa kaukulang disposisyon at legal na aksyon.
Patuloy na paiigtingin ng Lanao del Norte PPO ang mga checkpoint operation upang mapigilan ang ilegal na transportasyon ng mga produkto at mapanatili ang kaayusan sa lalawigan.
Patuloy na paiigting ng PNP ang kampanya laban sa smuggling at iba pang ilegal na gawain. Hinikayat din niya ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad sa pamamagitan ng agarang pagsumbong sa anumang kahina-hinalang aktibidad upang mapigilan ang ilegal na kalakalan at mapanagot ang mga sangkot dito.






