Personal na binisita ni Provincial Chief of Staff Bai Shajida B. Mastura, kasama ang Inaul Committee at GAD staff, ang ating mga Ibotegen Inaul weavers sa Purok Narra, Sultan Kudarat upang pakinggan ang kanilang mga kwento at suliranin sa merkado.
Sa likod ng bawat makulay na Inaul ay ang sakripisyo ng ating mga youth weavers—tulad nina Hasim Aron, Zaldy Abdullah, at Ryan Lumabao (BS Office Administration graduate) na ginamit ang paghahabi upang makapagtapos ng pag-aaral at makatulong sa pamilya.
Sa pamumuno ni Governor Datu Tucao O. Mastura, CPA, katuwang si Vice Gov. Datu Marshall I. Sinsuat, buo ang suporta ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Norte na protektahan ang kanilang kabuhayan at isulong ang sining ng Inaul.
Bilang bahagi ng patuloy na pagpapahalaga sa kanilang sipag at talento, ang kanilang mga kakaibang obra ay buong pagmamalaking itatampok sa darating na Inaul Fashion Show (INAUL SA KUTA-INTAN MAGINDANAW) na gaganapin sa Provincial Capitol Gymnasium ngayong Oktubre 3, 2026.

