CAMP DARAPANAN, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte — Pormal nang inihayag ngayong araw sa ginanap na general assembly ng Moro Islamic Liberation Front-Bangsamoro Islamic Armed Forces (MILF-BIAF) ang opisyal na pagtanggal sa ilang matataas na miyembro ng grupo sa kani-kanilang mga posisyon, kabilang na si Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Chief Minister Abdulraof Macacua.
Ang naturang mahalagang anunsyo ay ginawa mismo ni MILF Central Committee member Sheikh Abdulmanan Kitogi sa loob ng kampo.
Bukod kay Chief Minister Macacua, kabilang din sa mga tinanggal sa kanilang mga posisyon ang mga sumusunod na kilalang personalidad ng MILF:
* Akmad “Toks” Brahim
* Butch Malang
* Tomanda Antok
* Kagui Wahid Tundok
* Von Al Haq
* At iba pang mga opisyal ng kilusan.
Nilinaw naman ng pamunuan na bagamat tinanggal na sila sa kani-kanilang mga opisyal na katungkulan, mananatili pa ring mga miyembro ng MILF ang mga nabanggit na indibidwal, ngunit wala na silang hawak na kapangyarihan o posisyon sa organisasyon.





