BULUAN, Maguindanao del Sur — Matagumpay na naisagawa ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ngayong araw, Setyembre 3, 2026, sa Buluan Gymnasium.Ang aktibidad na ito ay naglalayong maghatid ng agarang ayuda sa mga mamamayang dumaraan sa matinding krisis o pagsubok mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan.Umabot sa libu-libong benepisyaryo ang dumalo at nakatanggap ng tulong mula sa mga bayang sakop ng GSKP (General Salipada K. Pendatun), Paglat, Pandag, Ampatuan, Mangudadatu, Buluan, at Datu Paglat.
Maayos at Matiwasay na SerbisyoNaging maayos, mabilis, at matiwasay ang takbo ng buong payout sa tulong ng mahigpit na kooperasyon ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, lokal na pamunuan, at mga tauhan ng seguridad.Labis ang pasasalamat ng lokal na pamahalaan sa lahat ng mga katuwang nito sa serbisyo—mula sa mga nag-organisa hanggang sa mga frontliner na matiyagang nagbantay upang matiyak na ligtas at maayos na maabot ang tulong sa bawat benepisyaryo.
“Maraming salamat sa lahat ng katuwang natin sa maayos na paghahatid ng serbisyo sa ating mga mamamayan,” ayon sa pahayag ng mga namahala sa programa.Ang pondong natanggap ng mga residente ay inaasahang makatutulong nang malaki sa kanilang pangaraw-araw na pangangailangan, partikular na sa kalusugan, edukasyon, at iba pang mahahalagang gastusin ng pamilya





