Militar nag-ikot sa mga komunidad at polling centers sa SGA-BARMM

SPECIAL GEOGRAPHIC AREA, BARMM — Nagsagawa ng serye ng community at polling center visitation ang 33rd Infantry Battalion ng Philippine Army sa mga Barangay ng Nabalawag at Kadayangan sa Special Geographic Area (SGA noong Agosto 21.

Ayon sa militar, layunin ng aktibidad na ito na masusing makatulong sa mga paghahanda para sa masisiguro na ligtas, maayos, at mapayapang Bangsamoro Parliamentary Elections (BPE) na gaganapin sa darating na Setyembre 14, 2026.

Patuloy ang pagpapatibay ng seguridad at pakikipagtulungan ng mga awtoridad sa mga komunidad upang maging matagumpay at tahimik ang nagbabadyang halalan sa rehiyon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here