96% ng mga opisyal sa Tawi-Tawi, sumapi sa Bangsamoro Federalist Party

BFP Photo

BONGAO—Umanib at nanumpa sa Bangsamoro Federalist Party (BFP) ang nasa 96 porsiyento ng mga opisyal ng barangay at lokal na pamahalaan mula sa lalawigan ng Tawi-Tawi.

Pinangunahan ni BFP Executive Vice President MP Doc Tomanda Antok ang seremonya ng panunumpa, na personal ding sinaksihan ni Tawi-Tawi Governor Yshmael “Mang” Sali matapos din niyang lumipat sa partido.

Dumalo rin sa mahalagang kaganapan ang mga sumusunod na personalidad:

  • Vice Governor Al-Syed Sali
  • 8th Nominee Engr. Karwin Hamjani
  • 13th Nominee MP Alindatu Pagayao
  • 14th Nominee MP Zulfikar-Ali Bayam
  • 17th Nominee Aldin Asiri

Mga Provincial Board Members at iba pang lokal na opisyal ng lalawigan

Ayon sa pamunuan ng BFP, ang malawakang pag-anib na ito ay magsisilbing malaking dagdag-lakas sa kanilang hanay habang papalapit ang nalalapit na mga aktibidad at transisyon sa rehiyon.

Nagpaabot din ng pasasalamat ang partido sa patuloy na suporta ng mga lokal na opisyal at mamamayan ng Tawi-Tawi. Binigyang-diin nila na ang kanilang adbokasiya ay nakatutok hindi lamang sa panalo sa politika kundi sa pangmatagalang kapakanan ng buong rehiyon ng Bangsamoro.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here