6th Infantry Division at mga ahensya ng BARMM, nagsagawa ng Inter-Agency Operations Exercise

COTABATO CITY — Pinangunahan ngayong araw, Agosto 20, 2026, ng 6th Infantry (Kampilan) Division ng Philippine Army katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaang sibil sa BARMM ang pagsasagawa ng Inter-Agency Operations Exercise 2026.

Ginanap ang malawakang ehersisyo sa Barangay Kalanganan 2, Cotabato City at sa Bongo Island sa bayan ng Parang, Maguindanao del Norte.

Layunin ng operasyong ito na patatagin ang koordinasyon sa pagitan ng iba’t ibang ahensya, pagbutihin ang pamamahala sa krisis, at ihanda ang pamahalaan sa mga sakuna. Kabilang sa mga pangunahing pokus ng pagsasanay ang mga sumusunod:
HADR (Humanitarian Assistance and Disaster Response): Pagpapahusay ng pagtugon at pagbibigay ng tulong-humanitaryo sa panahon ng kalamidad.

Mga Pamamaraan ng Paglikas: Pagsubok sa kahandaan at bilis ng pag-evacuate ng mga apektadong komunidad.
Non-Combatant Evacuation Operation (NEO): Pagsasagawa ng simulasyon para sa proteksyon at paglilikas ng mga sibilyan sa mga sitwasyong may banta sa seguridad.

Ipinapakita ng pagsasanay na ito ang patuloy na pagtutulungan ng militar at sibilyan upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga mamamayan sa rehiyon sa oras ng mga hindi inaasahang emerhensiya.(

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here