Dagsa ang mga dumalo sa isinagawang UBJP-MILF campaign rally sa municipal level sa Sultan Mastura, Maguindanao del Norte.
Kabilang sa mga dumalo ang mga kinatawan ng BIAF, Political Committee, mga Base Commander at Brigade Commander, kabilang si Brigade Commander Abdulbasit Panansaran.
Dumalo rin si Sultan Mastura Vice Mayor Haji Ismael Muradtong kasama ang tatlong konsehal at tatlong punong barangay.
Ipinakita sa aktibidad ang suporta ng mga lokal na lider at tagasuporta ng UBJP-MILF sa kanilang isinasagawang kampanya para sa unang BARMM parliamentary elections.
Patuloy naman ang serye ng mga campaign activity ng UBJP-MILF sa iba’t ibang lugar sa Bangsamoro.






