PARANG, Maguindanao del Norte — Pormal nang pinangunahan ni BARMM Chief Minister Abdulraof Macacua ang makasaysayan at pinag-aabangang paglulunsad ng bagong Bangsamoro Government Center (BGC) na matatagpuan sa Barangay Landasan sa bayang ito, ngayong araw.
Alinsunod sa Bangsamoro Autonomy Act No. 37, ang bagong sentrong ito ang magsisilbing permanenteng sentral na administrasyon at tahanan ng Pamahalaang Bangsamoro.
Ang proyektong nagkakahalaga ng 15 bilyong piso, na pinondohan sa pamamagitan ng IMPACT Fund, ay opisyal na maglilipat ng rehiyonal na sentro ng pamahalaan mula sa Lungsod ng Cotabato patungo sa bayan ng Parang sa lalawigan ng Maguindanao del Norte.
Dumalo sa naturang pagtitipon ang mga matataas na opisyal mula sa pambansa at panrehiyong pamahalaan, gayundin ang mga internasyonal na kasosyo sa kaunlaran. Kabilang sa mga pangunahing panauhin sina: Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity Mel Senen Sarmiento, Ambassador ng Malaysia sa Pilipinas, Kagalang-galang Dato’ Abdul Malik Melvin Castelino at kasosyo mula sa pribadong sektor na si Tan Sri Azmil Khalid.
Ang pagpapatayo ng bagong sentro ng pamahalaan ay tinatrabaho bilang mahalagang hakbang tungo sa mas epektibo, inklusibo, at pangmatagalang paglilingkod sa buong rehiyon ng Bangsamoro.





