Isang guro ng Malungon Elementary School sa bayan ng Maguing ang iniulat na dinukot umano alas dos y media ng hapon kanina sa Barangay Lilod Maguing , Lanao del Sur.
Sa ulat ng PRO BAR, agad na tumungo ang mga kasama ng biktima sa himpilan ng Maguing PNP matapos aniyang pwersahang kunin ng mga suspek ang biktimang guro na kinilalang si Baesarome Bagup habang sakay ang mga ito ng traysikel.
Sa salaysay ng driver na kinilalang si Saidona Musa at pasaherong si Hakeem Magandia na sekretarya ng Barangay Malungon, sakay ang mga ito ng nasabing traysikel na minamaneho ni Saidona nang pagsapit nang pagsapit ng mga ito sa lugar ay bigla na lamang hinarang ang mga ito ng isang pulang Toyota Rush.
Agad na bumaba aniya ang dalawang suspek kung saan isa sa mga ito ay kinilalang si alyas “Arab” at sapilitang hinila palabas ng traysikel at isinakay sa kanilang sasakyan ang biktimang si Baesarome. Agad namang tumakas ang mga suspel matapos makuha ang biktima. Habang ang mga kasama nito ay agad na humingi ng tulong sa pulisya.
Sa ngayon patuloy ang ginagawang Hot Pursuit Operation ng mga otoridad upang maaresto ang mga suspek. See less





