BARMM Interim Chief Minister Macacua, pinarangalan ng mga Mashaikh at Ulama para sa natatanging serbisyo sa Pilgrimage

Contributed photo

COTABATO CITY — Pormal na tinanggap ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Interim Chief Minister Abdulraof “Sammy” Macacua ang pagkilalang iginawad sa kanya ng mga Mashaikh at Ulama dahil sa kanyang natatanging serbisyo at pagtataguyod sa kapakanan ng mga pilgrimong Bangsamoro.

Sa kanyang talumpati, inihayag ni Macacua ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa mga relihiyosong lider at binigyang-diin na itinuturing niya ang parangal nang may malalim na kababaang-loob.

“I am deeply grateful to our Mashaikh and Ulama for this recognition. I receive it with humility, knowing that our service to the Hujjaj is an amanah entrusted to all of us,” pahayag ni Macacua.

Ayon sa Interim Chief Minister, ang tunay na sukatan ng kanilang mga programa at pagsusumikap ay nakasalalay sa tiwala ng mga pilgrim o Hujjaj, pati na rin sa kalinga at serbisyong ibinibigay sa kanila sa kabuuan ng kanilang sagradong paglalakbay.

Ibinahagi rin niya ang naturang parangal sa lahat ng mga tumulong at nagtultulungan sa likod ng mga gawaing ito.
“The real measure of our work is the trust of our pilgrims and the care we extend to them throughout their sacred journey. I share this recognition with our Mashaikh, Hajj workers, institutions, and partners who continue to serve with sincerity and dedication,” dagdag pa niya.

Nagpaabot din si Macacua ng panalangin para sa patuloy na gabay ng Maykapal sa kanilang mga layunin at hangarin na maihatid ang mas epektibong pamamahala at kaunlaran sa rehiyon.

“May Allah SWT accept our efforts and keep our intentions sincere and may He continue to guide us as we are advancing a #MasMatatagNaBangsamoro.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here