PDEA agent, suspek patay sa anti-illegal drug operation sa Tawi-Tawi

Patay ang isang ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) BARMM at ang main target nito na isang Abu Sayyaf Group (ASG) surrenderee, habang sugatan naman ang isang opisyal ng militar at dalawang iba pa matapos mauwi sa maratunang palitan ng putok ang isinagawang joint anti-illegal drug operation kaninang ala-1:30 ng madaling araw sa Barangay Paniongan, Bongao, Tawi-Tawi.

Kinilala ang nasawing PDEA Agent na si IO I Jim, habang ang napatay na High-Value Target (HVT) at main target ng operasyon ay kinilalang si Jimhar Jawadil, alyas “Boss M”, na kilalang Abu Sayyaf surrenderee.

Samantala, nagtamo naman ng mga sugat sa katawan ang opisyal ng militar na si Lt. Col. Richard Malabanan, kasama sina Cpl. Gideon Buenaventura at Cpl. Levie Lumay mula sa Marine Battalion Landing Team-4 (MBLT-4). Patuloy silang nilalapatan ng kaukulang lunas sa pinakamalapit na pagamutan.

Batay sa opisyal na ulat ng Police Regional Office of the Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR), nakatanggap ng impormasyon ang hepe ng Bongao MPS ukol sa nangyaring palitan ng putok sa Mapanbubu, Brgy. Paniongan. Sa ginawang beripikasyon, napag-alamang ikinasa ng PDEA BARMM kasama ang MBLT-4 ang naturang buy-bust operation laban sa grupo ng suspek.

Nakatakas naman sa kamay ng batas ang limang iba pa nitong kasamahan na kinilalang sina:

  • Antonio Jawadil
  • Nasser Jawadil
  • Abon Jawadil
  • Dalawang hindi pa nakikilalang indibidwal
    Matagumpay na nakumpiska ng mga awtoridad sa mismong lugar ng insidente ang tinatayang 256 gramo ng pinaniniwalaang shabu, kasama ang iba pang mga non-drug items:
  • 1 yunit ng KG-9 Submachine Gun na may 19 piraso ng live ammunitions (9mm)
  • 1 yunit ng M1 Garand na may 221 piraso ng live ammunitions (5.56)
  • 4 na yunit ng Caliber .45 pistol na may 19 piraso ng live ammunitions (.45)
  • Iba’t ibang Identification Cards (IDs)
  • 4 na yunit ng Android phones
  • 4 na pares ng guntingKasalukuyan nang nagpapatuloy ang manhunt operation ng mga awtoridad laban sa mga nakatakas na suspek na mahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at Illegal Possession of Firearms and Ammunitions.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here