5 top leaders ng Dawlah Islamiyah – Hassan Group, patay sa joint operation sa Pikit

PIKIT, NORTH COTABATO — Patay ang limang matataas na lider at kasapi ng teroristang grupong Dawlah Islamiyah – Hassan Group matapos mauwi sa madugong engkwentro ang dapat sana’y paghahain lamang ng warrant of arrest ng mga awtoridad sa Barangay Inug-ug, Pikit, North Cotabato, pasado alas-2:00 ng hapon ngayong araw.

Kinilala ni Maguindanao del Sur Police Provincial Director Col. Michael John Mangahis ang mga napatay na suspek na sina:

  • Marhum Esmael alyas “Marhom” – Sub-leader ng DI-Hassan Group, Top 1 Most Wanted Person sa BARMM at Maguindanao del Sur. Bihasa sa paggawa ng improvised explosive device (IED) at may koneksyon sa BIFF at Panenekelan Criminal Gang.
  • Halim Sansawi Usman – Top 2 Most Wanted Person sa BARMM.
  • Hassan – Top 3 Most Wanted Person sa Maguindanao del Sur.
  • Rasul Tito
  • Baby Ayunan Camsa

Ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP), nahaharap sina Esmael, Usman, at Hassan sa mga patung-patong na kasong murder, frustrated murder, attempted murder, at robbery. Sangkot din ang mga ito sa patrol car ambush noong Marso 28, 2026 sa Shariff Aguak na ikinasawi ng limang pulis, pati na rin sa serye ng pamomomba, pang-aatake, at panggagahasa laban sa militar, pulisya, at mga sibilyan.

Isinagawa ang joint operation ng Maguindanao del Sur PNP kasama ang 601st at 602nd Infantry Brigade ng Philippine Army. Subalit sa halip na sumuko nang ihain ang arrest warrant, agad umanong nagpaputok ang mga suspek kaya napilitang gumanti ng putok ang mga operatiba.

Narekober din sa pinangyarihan ng bakbakan ang baril na pagmamay-ari ni Patrolman Apollo Pagurayan—isa sa mga pulis na nasawi sa ginawang ambush ng mga terorista sa Lambayong, Sultan Kudarat noong Hulyo 7, 2026.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here