COTABATO CITY—- Sa layon para sa mahusay na pamamahala at upang matiyak na sapat ang panahon para maipagpatuloy ang mga programa at serbisyong direktang pakikinabangan ng ating mga komunidad, pormal na naghain si Congresswoman Bai Dimple Mastura ng House Bill No. 10597.
Ang panukalang batas na ito ay naglalayong ipagpaliban ang nakatakdang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Nobyembre 2, 2026, at ilipat ito sa huling Lunes ng Nobyembre 2028.
Layunin ng hakbang na ito na bigyang-daan ang tuloy-tuloy na pagpapatupad ng mga inisyatiba sa bawat barangay at Sangguniang Kabataan, habang isinusulong ang mas maayos at episyenteng serbisyo publiko sa lokal na antas. Ang panukala ay kasalukuyang sasailalim pa sa masusing deliberasyon sa Kamara.






