Cotabato City — Tuluyang kinansela ng Commission on Elections (COMELEC) En Banc ang rehistrasyon at akreditasyon ng Moro Ako Party bilang Regional Parliamentary Political Party para sa darating na 2026 Bangsamoro Parliamentary Elections dahil sa mga material defects at di makatotohanang pahayag sa kanilang mga isinumiteng dokumento.
Batay sa inilabas na 17-pahinang resolusyon ngayong araw, August 4, 2026, pinagbigyan ng komisyon ang petisyong inihain ni Aladib A. Abdul. Layunin nito na ipawalang-bisa ang rehistrasyon ng partido bunsod ng mga nakitang iregularidad, kabilang na ang mga hindi totoo at kaduda-dudang pahayag sa kanilang aplikasyon pati na sa mga kalakip na dokumento tulad ng listahan at mga address ng kanilang mga chapter offices.
Dahil sa mga naturang paglabag, mahigpit na ipinag-utos ng poll body ang tuluyang pagpapawalang-bisa sa rehistrasyon at akreditasyon ng Moro Ako Party upang hindi na makasali bilang partido sa nalalapit na halalan sa rehiyon.
Inaantabayanan ang ilalabas na pahayag ng partido.





