Taga SGA-BARMM, nanumpa bilang bagong miyembro ng Bangsamoro Federalist Party

MIDSAYAP, COTABATO — Pormal nang nanumpa ang daan-daang indibidwal mula sa Special Geographic Area (SGA)-BARMM bilang mga bagong miyembro ng Bangsamoro Federalist Party (BFP) sa isinagawang mass oath-taking ceremony ngayong umaga sa bayan ng Midsayap.

Pinangunahan ang programa nina BFP Party President Dr. Tumanda Antok at Member of Parliament Butch Malang, kasama ang iba pang opisyal at mga tagasuporta ng partido.

Ang naturang aktibidad ay nagsilbing patunay ng pormal na pag-anib at suporta ng mga bagong kasapi sa adbokasiya ng BFP. Bahagi rin ito ng patuloy na pagpapalawak ng organisasyon sa iba’t ibang sulok ng Bangsamoro bilang paghahanda sa nalalapit na Bangsamoro Parliamentary Elections sa Setyembre 14, 2026.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here