COTABATO CITY— Nagsagawa ng hiwalay na coordination meeting ang Gender and Development (GAD) Team ng Office of BTA Deputy Floor Leader MP Atty. Suharto M. Ambolodto, MNSA, kasama si Sultan Kudarat Municipal Administrator Sultan Banjo M. Mampon, Al-Hadj at Maguindanao del Norte Provincial Police Office (PPO) Provincial Director PCOL George D. Bagundol Jr. noong Huwebes, Hulyo 30, 2026, upang talakayin ang mga paghahanda para sa Legal Awareness for Community Empowerment Program. Dumalo rin sa pagpupulong kasama si Municipal Administrator Mampon ang mga GAD staff mula sa LGU Sultan Kudarat.
Layunin ng programa na itaguyod ang kamalayang pang-legal at pagbutihin ang access to justice o pagabot ng katarungan sa apat na munisipalidad ng Maguindanao del Norte at sa Lungsod ng Cotabato. Hangad nitong bigyan ang mga komunidad ng kaalaman sa kanilang mga karapatan sa ilalim ng batas habang tinutugunan ang mga isyu tulad ng violence against women and children (VAWC), child marriage, at mga hindi pa lutas na alitan sa pamilya at komunidad.
Bukod sa mga paghahanda para sa darating na Legal Awareness Program, tinalakay din ni PCOL Bagundol kasama ang GAD Team ni MP Ambolodto ang mga posibleng GAD program sa loob ng Maguindanao del Norte PPO at ang mga posibleng larangan ng pagtutulungan upang lalo pang mapatibay ang mga hakbuhaning tumutugon sa kasarian (gender-responsive) at nakabase sa komunidad.






