UBJP nagsagawa ng voters education drive sa Tawi-Tawi

UBJP Photo

Mas pinalakas pa ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP) ang information drive nito matapos matagumpay na isagawa ang isang General Assembly at Voters’ Education Campaign sa Barangay Nalil, Bongao, Tawi-Tawi. Layunin ng nasabing aktibidad na ihanda ang mamamayan sa kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary Elections na nakatakda sa taong 2026.

Inatendahan ang naturang aktibidad ng daan-daang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front – Bangsamoro Islamic Armed Forces (MILF-BIAF), mga opisyal at kasapi ng partido, pati na rin ang mga tagasuporta upang palawakin ang kanilang kaalaman ukol sa sistema ng parlamentaryo at tamang proseso ng pagboto.

Samantala, ibinahagi naman ni UBJP Youth Nominee Al-Haafidh Sulffy Abbas ang kanyang mga pangunahing adbokasiya para sa sektor ng kabataan at sa buong Bangsamoro region. Binigyang-diin niya na mahalagang magkaroon ng isang parlamentong nakatutok sa moral governance, pananagutan, at tapat na paglilingkod sa bayan.

Dahil dito, muling nanawagan si Abbas sa mga residente ng Tawi-Tawi na maging aktibo at responsableng voters sa pamamagitan ng pag-unawa sa tamang proseso ng halalan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here