5 Alkalde, mga Bise Alkalde at higit 700 pang mga lokal na mga opisyal sa Maguindanao del Sur, pormal na nanumpa sa Bangsamoro Federalist Party

COTABATO CITY — Mas pinagtibay pa ang katapatan sa partido matapos pormal na manumpa sa Bangsamoro Federalist Party (BFP) ang nasa mahigit 700 lokal na opisyal, kabilang ang limang (5) alkalde, mga bise alkalde, miyembro ng Sangguniang Bayan, mga kapitan, at kagawad mula sa limang bayan ng 2nd Parliamentary District ng Maguindanao del Sur, ngayong araw ng Huwebes, July 23, 2026.
Mismong pinangunahan ni BFP President MP Doctor Tomanda Antok ang naturang programa, kasama ang mga kilalang opisyal ng partido na sina MP Datu Michael Midtimbang at BFP 2nd Nominee Commander Ustadz AbdulWahid Tundok.

Kabilang sa mga naghain ng buong katapatan at pormal na nanumpa ang mga sumusunod na alkalde:

  • Mayor Datu Sajid Andre Ampatuan (Shariff Saydona Mustapha)
  • Mayor Datu Victor Samama (Datu Piang)
  • Mayor Datu Bassir “Banjo” Utto (Datu Saudi Ampatuan)
  • Mayor Khominie Sandigan (Datu Salibo)
  • Mayor Datu Andal Ampatuan V (Datu Unsay Ampatuan)

Patuloy na paglakas ng BFP sa BARMM ang sunod-sunod na panunumpa ng mga kilalang lokal na lider ay malinaw na patunay ng lumalakas na pwersa ng partido at kahandaan nito para sa nalalapit na makasaysayang BARMM Parliamentary Elections.

Sa kaniyang mensahe, binigyang-diin ni MP Dr. Tomanda Antok na ang pagdami ng kanilang mga kasapi ay daan upang mas maisulong ang kapayapaan, pagkakaisa, at kaunlaran sa buong rehiyon.

“Bilang mga kasapi ng BFP, ang ating layunin ay ang pagkakaisa at pakikipagkaibigan sa lahat. Hindi tayo naririto upang makipag-away, kundi upang makipagtulungan sa bawat isa para sa kapayapaan at kaunlaran ng Bangsamoro,” pahayag ni MP Antok. Nanawagan din siya sa lahat ng miyembro na pairalin ang kahinahunan at iwasan ang anumang uri ng hidwaan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here