COTABATO CITY — Sa patuloy na pag-abot sa mga komunidad na nangangailangan ng agarang tulong, tinugunan ng opisina ni Maguindanao Del Sur Representative Esmael “Toto” Mangudadatu ang pamamahagi ng mga relief goods para sa mga pamilyang naapektuhan ng mga nagdaang pagbaha sa lalawigan.
Ayon sa mambabatas, naging mabilis ang kanilang pagkilos upang masiguro na makarating ang mga pangunahing pangangailangan sa mga residente na lubhang naapektuhan ng kalamidad.
“Kasama ang ating mga kapatid sa Talayan, Guindulungan, at Shariff Saydona Municipality,ramdam namin ang kanilang paghihirap kaya kami ay namahagi ng mga relief goods para sa mga pamilyang naapektuhan ng kamakailang pagbaha.”
Patuloy ang pakikipagtulungan ng tanggapan ni Rep. Mangudadatu sa mga lokal na pamahalaan upang masubaybayan ang kalagayan ng mga apektadong mamamayan at maiabot ang karagdagang suporta sa gitna ng hamon ng panahon.






