Mga opisyales sa bayan DBS, Upi sumapi na sa Bangsamoro Federalist Party

Bangsamoro Federalist Party

COTABATO CITY—— Sina Mayor Rona Cristina “Tintin” Piang -Flore ng bayan ng Upi at Mayor Raida Tomawis-Sinsuat ng bayan ng Datu Blah sa Maguindanao del Norte ang dalawang babaeng alkalde kasama ng iba pang lokal na opisyal ang nanumpa bilang mga bagong miyembro ng Bangsamoro Federalist Party nitong Lunes, July 20.

Pinangunahan ni Bangsamoro Parliament Member Tumanda Atok ang mass oath-taking kasama ang 20 konsehal, 37 punong barangay, at 340 barangay kagawad mula sa dalawang bayan.

Ang naturang pagtitipon ay bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng organisasyon ng partido at paghahanda para sa nalalapit at kauna-unahang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Kabilang sa mga lumahok ang mga opisyal mula sa labintatlong barangay ng Datu Blah Sinsuat pati na rin ang mga lokal na lider mula sa Upi. Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Atok ang kahalagahan ng pagkakaisa, disiplina, at aktibong pakikilahok ng bawat kasapi sa pagsusulong ng mga adbokasiya ng BFP.

Hinimok din ng mga lider ng partido ang mga bagong miyembro na maging katuwang sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan at sa pagtiyak ng isang malinis at mapayapang halalan sa rehiyon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here