Pinasalamatan ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza ang World Bank (WB) at Mindanao Development Authority (MinDA) sa pagdaos nito ng Mindanao Poverty Assessment: Towards Resilient Future and Poverty Eradication Roundtable Discussion (RTD) nitong Lunes, Setyembre 14, 2026 sa Davao City dahil nagbigay ito ng mahahalagang impormasyon upang matugunan kahirapan sa Mindanao.
Sa kanyang naging pahayag sa ginanap na RTD sinabi nito, “The findings and report of the World Bank will help our respective Local Government Units (LGUs) in updating and validating data, identifying and correcting any gaps, and ensuring that programs and initiatives are properly planned and implemented.”
Ayon sa gobernadora, mahalaga ang komprehensibo at tamang datos upang magabayan ang bawat lokal na pamahalaan, maitama ang maling estadistika at maayos na maipatupad ang mga programa at inisyatibo sa mga pamayanan. Inihalimbawa nito ang 2026 Measles-Rubella Supplemental Immunization Accomplishment Report ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) sa lalawigan kung saan ang bilang ng projected population ng mga bata na dapat na bakunahan mula sa Department of Health (DOH) ay hindi akma sa aktwal na bilang na nasa listahan ng LGUs.
“For instance, the projected number of children from the DOH may differ from the actual number based on our local data. So even if we have vaccinated all eligible children, there may still be a remaining target because it is based on projected population figures,” wika nito.
Binigyang-diin din niya na kailangang tutukan hindi lamang ng probinsya kundi pati na rin ng mga pamahalaang lokal ang pag-update sa kanilang mga mahahalagang datos at estadistika sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Philippine Statistics Authority.
Ipinarating din nito sa WB at MinDA na kailangang ikonsidera ng national government na bigyang prayoridad ang Mindanao lalo na sa proyekto at alokasyon dahil karamihan ng produktong agrikultura ay nagmumula rito ngunit ang buwis na ibinabayad ay hindi naitatala sa lokalidad dahil ang business address nito ay nakabase sa ibang lugar.
“We need to review the situs of taxation to ensure that Mindanao receives a fair share of the revenues generated from economic activities within the region. Reviewing these arrangements can help ensure that revenues are more accurately reflected in the areas where the economic activities actually take place.”
Iginiit din ni Gov. Taliño-Mendoza na dapat gamitin ng mga LGU ang kanilang National Tax Allotment (NTA) at lokal na resources upang matugunan ang mga natukoy na pangangailangan batay sa findings ng WB. Aniya, mahalaga ring maging katuwang ang mga LGU ng national government at iba pang funding agencies upang sama-samang maisulong ang mga programang tutugon sa kahirapan sa Mindanao. (IDCD Province of Cotabato)






