MANILA, Philippines — Ipinagmamalaki ng Cotabato City Government, sa pamumuno ni Mayor Para sa Lahat Bruce Matabalao, ang kanilang local culture, arts, at tourism highlights sa Philippine Travel Mart (PTM) ngayong taon sa SMX Convention Center Manila.
Ibinida ng delegasyon ng lungsod ang mga signature product nito. Kabilang sa mga itinatampok ang makukulay na tradisyunal na habing Inaul, mga gawang Brassware at Sakotoure – klase ng isang kasuotan na siyang ni-recycle mula sa sako ng harina, at iba’t ibang produktong nakapaloob sa One Town, One Product (OTOP) program.
Naging sentro rin ng booth ang pag-promote sa mga pangunahing tourist destinations at cultural landmarks ng lungsod tulad ng People’s Palace. Layunin ng partisipasyong ito na maiangat ang turismo ng lungsod at magbukas ng mas maraming oportunidad sa negosyo at pakikipagtuwang sa iba’t ibang travel organizations sa bansa.
Patuloy ang pag-imbita ng pamahalaang lungsod sa mga bisita at investors na bisitahin ang kanilang eksibit upang mas makilala ang kultura at ganda ng Cotabato City sa ilalim ng kanilang temang “Love Cotabato City”.






