150 decommissioned combatants nairehistro sa PhilHealth

DSWD Field Office 12 Photo

Humigit-kumulang 150 decommissioned combatants (DCs) ang matagumpay na nairehistro sa PhilHealth sa isinagawang PhilHealth Caravan sa Parang, Maguindanao del Norte. Isinagawa ito sa tulong ng Rural Health Unit (RHU) ng Parang, sa pangunguna ni Municipal Health Officer Datu Abdul Rahman K. Biruar, at PhilHealth OIC Head Amila Rose B. Enok.

Bahagi ang aktibidad ng mga intervention sa ilalim ng Peace and Development Buong Bansa Mapayapa (PDBBM) Program ng DSWD Field Office XII, na naglalayong mailapit sa mga benepisyaryo ang mahahalagang serbisyo ng pamahalaan.

Sa pamamagitan ng on-site registration, mas napadali para sa mga benepisyaryo ang pagkuha ng PhilHealth membership at access sa health insurance benefits. Makakatulong ito upang magkaroon sila ng dagdag na proteksyon at tulong sa oras na kailangan nila ng serbisyong medikal.

Ipinapakita ng aktibidad na sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga ahensya, mas napapalapit ang serbisyo sa mga benepisyaryo at kanilang pamilya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here