Kasabay ng selebrasyon ng 65th Founding Anniversary at 11th Katambolit Festival ng bayan ng Libungan, idinaos din ngayong araw, Agosto 6, 2026 ang 19th Indigenous Peoples Day na nagpapakita ng pagkilala at pagpapahalaga sa IPs hindi lang sa nabanggit na bayan kundi maging sa buong lalawigan, gayundin ang kanilang makulay na kasaysayan at kultura.
Ipinaabot ni Gov. Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ang kanyang mainit na pagbati sa naturang pagdiriwang sa pamamagitan nina Boardmembers Shirlyn Macasarte-Villanueva, Sittie Eljorie Antao-Balisi at Provincial IP Mandatory Representative Rodrigo S. Rangaban kung saan ipinahayag ng mga ito ang patuloy na pagsisikap ng pamahalaang panlalawigan upang mabigyan ng proteksyon ang karapatan ng mga IP at maitaguyod ang mga interbensyong naaayon sa kanilang pangangailangan.
Nasa aktibidad din na isinagawa sa Municipal Function ng bayan si Libungan Mayor Angel Rose Cuan na umaasang sa gabay ng temang “Celebrating Culture, Strengthening Unity” ay mas mapagtitibay pa ang ugnayan ng bawat Cotabateño sa kabila ng pagkakaiba sa kultura at tradisyon.(IDCD-PGO Cotabato)






