Maguindanao del Norte, BARMM — Tumanggap ng financial assistance ang mga beneficiaries ng Kupkop Program at Unlad Pamilyang Bangsamoro Program (UPBP) ng MSSD sa isinagawang payout noong Hulyo 20, 2026.
Sa ilalim ng Unlad Program, 21 beneficiaries ang tumanggap ng kanilang buwanang rice subsidy na nagkakahalaga ng ₱1,500, na naglalayong makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan sa pagkain at mabawasan ang gastusin ng kanilang mga pamilya.
Samantala, 11 orphaned children ang tumanggap ng kanilang buwanang ₱5,000 subsidy bilang suporta sa kanilang pangunahing pangangailangan, kabilang ang pagkain, edukasyon, at iba pang mahahalagang gastusin. (AJAM/ICD)






